--Ads--

CAUAYAN CITY- Sumampa na sa humigit kumulang dalawang libong indibiduwal ang inilikas na mula sa kanilang mga bahay at nanatili na ngayon sa evacuation centers dahil sa pananalasa ng Super Typhoon Leon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Jeo Arirao ang infromation officer ng MDRRM Office Calayan, kay sinabi niya na abala sila ngayons a dstribution ng food packs para sa mga pamilyang nanatili sa evacuation centers sa Babuyan Claro,Balatubat,Cabudadan,Centro 2, Dadao,Dibay, Dilam,Magsidel, Minabel,Naguilian at Poblacion.

Katuwang nila sa relief operation ng PNP, Philippine Coast Guard, LGU Calayan ay iba pang concerened agencies.

Dagdag pa niya na bagamat nakapagtala sila ng pagbaha sa ilang bahagi ng Calayan partikular sa mababang lugar ay agad din naman itong humupa.

--Ads--

Patuloy na pinag iingat ang mga residente partikular ang mga mangingisda dahil mahigpit na ipinagbabawal ang pagpalaot sa bahagi ng Batanes maging sa bahagi ng Babuyan Claro, Sta, Cagayan dahil sa banta ng storm surge o malalaks at matatas na alon.