--Ads--
Dumagsa ang nasa 140,000 pasahero sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) tatlong araw bago ang pagsalubong sa Bagong Taon.
Sa ulat, nakapagtala ang PITX ng 140,189 pasahero hanggang nitong alas-6 ng gabi ng Sabado, Disyembre 28.
Bagama’t inaasahan ng pamunuan ng PITX ang 150,000 hanggang 180,000 pasahero sa nasabing araw, maaaring lumampas pa ang aktwal na bilang sa 200,000.
Karamihan sa mga pasahero ay patungong Bicol, Mindoro at Batangas.
--Ads--