--Ads--

Namahagi ng detector device ang Isabela Anti-Crime Task Force o IACTF sa ilang paaralan sa lungsod ng Cauayan na madalas makapagtala ng problema.

Kaugnay ito sa mga nangyayaring pagdadala ng mga estudyante ng matutulis na bagay tulad na lamang ng kutsilyo.

Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Cauayan kay IACTF Chairman Ysmael Atienza Sr., sa ngayon ay hindi na aniya mahihirapan na buksan at inspeksyunin isa-isa ang mga bag ng mag-aaral upang makatiyak na walang deadly weapon.

Matatandaan din kasi aniya na nagkaroon ng isang kaso ng pananaksak sa isang paaralan kung saan dalawang estudyante ang sangkot.

--Ads--

Dumadalas din kasi aniya ang naitatalang kaguluhan sa Cauayan National High School at Villa Luna High School kaya ito ang unang nabigyan ng tag isang detector device.

Ang device aniya ay walang pinagkaiba sa mga ginagamit sa malalaking mall na itinatapat lamang sa bag o sa isang indibidwal ay nalalaman na kung ito ba ay may bitbit na deadly weapon.

Batay naman aniya sa mga ulat ng mga eskwelahan ay nabawasan naman ang krimen at wala nang naitalang kaso ng pagdadala ng kutsilyo.