--Ads--

CAUAYAN CITY- Pinaiigting na ng mga barangay tanod sa lungsod ng Cauayan ang pagbabantay sa mga pampublikong paaralan alinsunod sa kautusan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Inatasan kasi ng pangulo ang Department of Interior and Local Government (DILG) na atasan ang mga tanod na magbantay sa kanilang nasasakupang pampublikong paaralan upang maiwasan ang mga krimen o anumang hindi magandang pangyayari.

Epektibo na rin ang direktibang ito sa lungsod ng Cauayan matapos makipag-ugnayan ang DILG at Isabela Anti-Crime Task Force sa mga barangay patungkol sa inilabas na DILG Memorandum Circular 2025-072.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay IACTF Chairman Ysmael Atienza Sr., sinabi niya na noon pa man ay na practice na sa Cauayan ang trabaho ng mga tanod.

--Ads--

Matatandaan kasi aniya na may mga naipapaulat na bugbugan, rambol, at aksidente sa loob ng paaralan kaya binigyan ng sapat na suporta ang mga tanod upang makapagbantay partikular sa mga High school.

Mayroon din aniyang ilang mga paaralan ang binigyan ng detector device upang mas mapadali ang trabaho ng mga security guard at tanod sa pagtiyak na walang anumang weapon na makapasok sa loob.