
CAUAYAN CITY – Naging maganda umano ang pakikipag ugnayan ng Union of Local Authorities of the Philippines o ULAP sa IATF tungkol sa bagong labas na panuntunang pagtanggal na sa mga travel documents sa mga mamamayang bumibyahe.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Gov. Dakila Carlo Cua ng lalawigan ng Quirino at Chairman ng ULAP, sinabi niya na nabigyan naman ng leeway o kalayaan ang mga LGUs kung anong panuntunan ang kanilang ipatutupad sa kanilang nasasakupan.
Aniya sinunod ng Lalawigan ng Quirino ang bagong guidelines ng IATF at ito ngayon ang kasalukuyang iniimplement ng mga kinauukulan.
Sakali mang may kailangang baguhin o idagdag sa panuntunan ay kailangan lamang nilang ipagbigay alam sa IATF upang ito ay mabusisi ng maigi.
Ayon kay Gov. Cua, sa kasalukuyan ay hindi kailangan ang RT PCR Test result sa mga mamamayang papasok sa Lalawigan ng Quirino.










