CAUAYAN CITY- Matagumpay na narekober ng pinagsanib na pwersa ng 95th Infantry Battalion, Gonzaga Police Station at 203rd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 2 ang iba’t ibang gamit pampasabog sa Sitio Tagkar, Barangay Isca, Gonzaga, Cagayan.
Sa pagtugon ng 95IB sa pamumuno ni Lieutenant Colonel Vladimir P Gracilla katuwang ang Gonzaga Police Station sa pangunguna ni Police Captain Danilo Belnas at Police Lieutenant Jan Andrei Nicolas ng RMFB 2, nadiskubre ang 38 na units ng Improvised Explosive Device, apat (4) na units ng Improvised Blasting Machine, lima (5) na units ng Remote Controller at limang (5) metrong Stranded Wire.
Ang mga narekober na kagamitan ay naipasakamay na sa pulisya para sa kaukulang disposisyon.
Una rito, ang matagumpay na pagkakarekober ng mga gamit pampasabog ay bunga ng impormasyon na ibinibigay ng mga mamamayan na handang tumulong sa pamahalaan na tuldukan ang pwersa ng komunistang teroristang grupo sa probinsya ng Cagayan.