--Ads--

CAUAYAN CITY– Maraming pribadong individual tulad ng mga propesyunal, kawani ng pamahalaan at pribadong sektor, magsasaka at mga simpleng housewife ang nakiisa sa pagsasagawa ng Bombo Radyo Cauayan ng Dugong Bombo 2018 sa FL Dy Coliseum sa Cauayan City.

Sinabi nila na layunin ng kanilang pagdonate ng Dugo na makatulong sa mga nangangailangan ng dugo bukod sa dulot nitong kabutihan sa kondisyon ng kanilang kalusugan.

Kabilang sa mga successful blood donors ang dating Station manager ng Bombo Radyo Cauayan na si Bb. Charmy Sabigan, naging Asst. Vice President ng Bombo Radyo Philippines.

Sa naging panayam ng BombO Radyo Cauayan, sinabi niya na ito na ang ikapitong beses na nag-donate siya sa Dugong Bombo.

--Ads--

Numero uno niyang dahilan ng muling pagdonate ng dugo na makatulong sa mga nangangailangan ng dugo at ikalawa na lamang ang kabutihang dulot nito sa katawan dahil napapalitan ng bago ang idinonate na dugo.

Ayon kay Bb. Sabigan, alam niya na mahirap kung walang available na dugo kahit may pera,

Naging karanasan niya ito noong mangailangan ang kanyang kapatid para sa kanyang blood transfusion dahil ang tatlong blood bags na kailangan nila ay nakuha pa nila sa ibat ibang chapter ng Philippine Red Cross.