--Ads--

CAUAYAN CITY – Hindi dapat balewalain kundi seryosohin at imbestigahan ang ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na isang presidential aspirant ang gumagamit ng cocaine.

Sa naging panayam ng Bombo Rado Cauayan, sinabi ni Political analyst Michael Henry Yusingco na hindi dapat isantabi at pagtawanan dahil galing ito mismo sa pangulo kaya kailangang seryosohin at imbestigahan ng Philippine National Police (PNP), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at National Bureau of Investigation (NBI).

Maganda aniya na nagkusang sumailalim sa drug test ang ilang presidential aspirant.

Kung bakit ngayon lang  inilabas ang isyung ito ay dapat na ipaliwanag ng pangulo at pangalanan kung sino ang kanyang tinutukoy.

--Ads--

Ayon kay Atty. Yusingco, umasa ang mga mamamayan sa magandang resulta ng kampanya kontra droga kaya dapat ipaliwanag kung bakit ngayon lang ito isiniwalat ni Pangulong Duterte.

Naniniwala siya na hindi ito ilalabas ng pangulo kung wala siyang mga ebidensiya laban sa presidential aspirant.

Ang pahayag ni Atty. Michael Henry Yusingco