--Ads--

Iginiit ng IBON Foundation hindi patungkol sa public service ang goal ng San Miguel Corporation sa pagsasapribado sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA kundi isang negosyo sa kompanya na susunod na hahawak.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Executive Director Sonny Africa ng IBON Foundation, sinabi niya na napakadelikado ito dahil nagkakaroon ng monopolyo sa airport at ang dehado rito ay ang mga pasahero hindi lamang sa mga pilipino kundi maging sa mga bibisitang banyaga sa bansa.

Aniya ang papalabasing rason sa pagtaas ng presyo sa mga services ng aiport ay dahil sa pagpapaganda sa mga pasilidad.

Kung manggagaling naman ito sa bulsa ng mga mahihirap na Pilipino ay hindi nila ito sinasang-ayunan at hindi ito magandang balita sa mamamayang Pilipino.

--Ads--

Aniya kung nais ng gobyerno ng magandang serbisyo sa paliparan ay kailangang gastusan nila ito at hindi ipahawak sa pribadong kompanya.

Ang tunay na layunin ng mga negosyante ay hindi pagbibigay ng serbisyo kundi ang kumita.

Napakahirap na rin ang sitwasyon kung magiging monopolyo na ang mga paliparan sa bansa dahil walang pagpipilian ang mga byahero dahil iisa na ang may-ari.

Hindi umano ito maituturing na solusyon kundi nagpapabigat lamang sa gastusin ng mga ordinaryong Pilipino.