CAUAYAN CITY- Ikinadismaya ng IBON Foundation ang bumabang 2025 Proposed Budget sa Sektor ng Agrikultura.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay IBON Foundation Executive Director Sonny Africa sinabi niya na ang mahahalagang ahensya ng pamahalaan ay kapansin-pansin na nabawasan ng pondo subalit nabigyan ng malaking alokasyon ang imprastraktura at militarisasyon ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
Aniya, maraming mga Pilipino ang nangangailangan ng tamang serbisyo mula sa gobyerno subalit bigo ang mga kinauukulan na maibigay ito.
Wala ding nakitang pagbabago ang grupo sa pagbabago sa presyo ng pagkain sa nakalipas ng dalawang taon taliwas sa naging pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa kaniyang State of the Nation Address.
Nagbawas din ng pondo ang Social Security and Employment kung saan ang laang pondo ay naglalaro na lamang sa halos dalawang bilyong piso maliban pa sa tanggapan ng Department of Social Welfare and Development.
Pinalagan din nila ang pahayag na dalawang milyong populasyon ng mga Pilipino ang umahon sa kahirapan gayung wala namang nailaang pondo para sa mga kainakailangang tanggapan para sa pagdami ng trabaho .
Kinuwestiyon din ng grupo kung saan gagamitin ng pamahalaan ang 6.25 billion pesos.