CAUAYAN CITY- Nabitin ang IBON Foundation sa naging pagtalakay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa ekonomiya ng bansa sa kanyang ikatlong State of the Nation Address o SONA.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay IBON Foundation Executive Director Sonny Africa kanyang sinabi na hindi naglatag ang pangulo ng mga hakbang sa pagpapabuti sa ekonomiya ng bansa.
Aniya dapat ay naging tapat ang pangulo at sinabi ang mga reporma na naiisip ng kaniyang administrasyon.
Naging paligoy-ligoy din umano ang pangulo sa kanyang SONA kaya nagmukhang marami ang nagawa ng gobyerno.
Kung bibigyan naman umano nila ng grado ang SONA ay magiging uno ito ang pinakamababa na posibleng ibigay.
Hindi din umano tama ang sinabi ng pangulo na walang magagawa sa takbo ng merkado ang pamahalaan.