--Ads--

CAUAYAN CITY – Magbibigay na ng tulong pananalapi ang Integrated Bar of The Philippines (IBP) sa mga frontliners upang malabanan ang coronavirus pandemic.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Domingo Egon Cayosa, presidente ng IBP, sinabi niya na labis na silang nababahala dahil sa pagkamatay ng mga doktor na nakapitan ng COVID-19 habang ginagampanan ang kanilang tungkulin.

Sinabi pa ni Atty. Cayosa na marapat lamang na magtulong-tulong ang sambayanang Pilipino pangunahin na ang mga mayayaman upang maprotektahan ang mga frontliners tulad ng mga doctor, nurse, technicians at iba pang mga health workers.

Sa ngayon ay maglalabas ng pondong dalawang milyong piso ang IBP na mula sa kanilang iba’t ibang chapters.

--Ads--

Nagpasya anya ang pamunuan ng IBP na ang 60 percent ng nasabing pondo ay gagamiting pambili ng N95 surgical facemask at ang matitira ay pambili ng Medical Protective Equipment na pangunahing kinakailangan ng mga health workers.

Samantala, inihayag ni Atty. Cayosa na ikinalungkot din nila ang pagkamatay ni Calamba Regional Trial Court Judge Virgilio Gesmundo na kauna-unahang abogadong namatay dahil sa covid-19 sa bansa.

Tinig ni Atty. Domingo Egon Cayosa, presidente ng IBP.