--Ads--

Na-disqualify si International Criminal Court (ICC) Chief Prosecutor Karim Khan sa paghawak ng imbestigasyon kaugnay sa kontrobersyal na war on drugs ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang desisyon ay inilabas ng Appeals Chamber ng ICC matapos aprubahan ang hiling ng kampo ni Duterte na alisin si Khan sa kaso, dahil umano sa pagkakaroon ng “perceived bias” o pagkiling laban sa dating pangulo.

Ayon sa kampo ni Duterte, lumabag si Khan sa ethical standards ng korte matapos itong magpakita ng mga kilos o pahayag na maaaring magdulot ng pagdududa sa kanyang pagiging patas bilang tagapagsaliksik sa kaso.

Isa sa mga inirereklamo ay ang pagbisita ni Khan sa Pilipinas at mga naging pahayag niya na tila nagpapatunay na may nauna na siyang paniniwala sa kasalanan ni Duterte, bago pa man matapos ang proseso ng imbestigasyon.

--Ads--

Sa kabila ng diskwalipikasyon, nilinaw ng ICC na hindi nito sinasara ang kaso, at magtatalaga ng panibagong prosecutor upang ipagpatuloy ang imbestigasyon sa posibleng crimes against humanity na isinampa laban sa dating pangulo, kaugnay ng libo-libong namatay sa kampanya kontra iligal na droga mula 2016 hanggang 2019.