--Ads--

Nanawagan ang International Criminal Court (ICC) sa mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) na magbigay ng testimonya laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa ICC, hinihikayat ang mga saksi, kabilang ang mga nasa law enforcement, na magsumite ng impormasyon kaugnay ng kasong kinakaharap ng dating pangulo.

Kinakaharap ni Duterte ang kaso ng crimes against humanity kaugnay ng kanyang ipinatupad na war on drugs mula Nobyembre 2011 hanggang Marso 2019, na kinasasangkutan ng mga alegasyon ng pagpatay, torture, at sexual violence.

Naglaan ang ICC ng online form upang ligtas na maisumite ng mga saksi ang kanilang testimonya at mga reklamo.

--Ads--