--Ads--

Pansamantalang nag-leave sa puwesto si International Criminal Court o ICC Prosecutor Karim Khan dahil sa isinasagawang imbestigasyon ng United Nations kaugnay sa nagawa nitong umano’y sexual misconduct.

Hindi pa tiyak sa ngayon kung ano ang gagawin ng ICC sa kung sino ang papalit kay Khan. Nahaharap ang ICC sa existential crisis dahil sa mga ipinataw na sanctions ng Estados Unidos dahil sa pag-aresto ng ICC sa ilang Israeli Officials.

Sa isang written statement, itinanggi ng abogado ni Khan ang mga alegasyon sa prosecutor at inaming naka-leave ito habang nagpapatuloy ang imbestigasyon at hindi maapektuhan ang pokus sa trabaho.

Tiniyak din ng abogado nitong walang balak ang prosecutor sa pagreresign.

--Ads--

Ayon naman sa mga NGOs at ICC staff, hindi maapektuhan ang mga isinasagawang imbestigasyon ng ICC sa mga nangyaring war crimes sa ibat-ibang bahagi ng mundo dahil hindi naman one-man show ang office of the prosecutor.

Kabilang sa mga iniimbestigahan ng ICC ang Israel-Hamas conflict at digmaan ng Russia at Ukraine maging ang kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Crimes against Humanity sa kanyang war on drugs campaign.