--Ads--

Inihayag ni Kabataan party-list Rep. Renee Co na malapit nang umabot sa failing grade ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) dahil sa kabiguan nitong makasuhan ang mga pangunahing sangkot sa flood control scam.

Kung bibigyan niya ng grado ang Independent Commission for Infrastructure (ICI), konting-konti na lang ay singko o failing grade umano ang matatanggap nito dahil sa kabiguan nitong makasuhan ang mga “big fish” sa flood control scam.

Binigyang-diin din niya na hanggang Marso 31 na lamang tatakbo ang operasyon ng komisyon.

Paliwanag ni Co, ang ICI ay itinatag upang imbestigahan ang mga anomalya at katiwalian sa pagpaplano at implementasyon ng mga flood control projects, ngunit nabigo itong tuparin ang layunin.

--Ads--

Maraming pagkukulang ang nakitang Commission, kabilang ang hindi pagtukoy sa mga pangunahing sangkot at ang limitado lamang na tugon sa mga isinumiteng ulat at liham.

Giit ng mambabatas, ito ay malaking kawalan para sa mga mamamayang nagbabayad ng buwis, dahil ang benepisyo mula sa mga proyekto ay napupunta lamang sa iilang political dynasties.