--Ads--

CAUAYAN CITY- Matagumpay na naidaos ang JLD Cheerdance Competition sa Lungsod ng Ilagan bilang bahagi ng kanilang ika-13th Cityhood Anniversary na ginanap sa The Capital Arena.

Sa panayam ng Bomo Radyo Cauayan kay General Services Officer Ricky Lagui ng City of Ilagan, sinabi niya na ang naturang kompetisyon ay talagang inlaan ng pamahalaang lokal para sa sektor ng edukasyon upang magkaroon sila ng pagkakataong makibahagi rin sa week-long celebration ng kanilang anibersaryo.

 Suportado naman aniya ito ng Department of Education at naging maayos din ang pagtanggap at suporta ng mga komunidad sa mga kalahok — patunay dito ang libu-libong mga manonood sa The Capital Arena.

Maliban sa Cheerdance competition ay marami pang mga aktibidad na dapat antabayanan ang mga Ilagueño sa pagtatapos ng naturang pagdiriwang ngayong araw.

--Ads--

Nagpapasalamat naman siya sa mga Ilagueño at sa lahat ng mga nakibahagi sa mga aktibidad na nagbigay saya sa publiko.

Samanatala, nagpapasalamat ang pamunuan ng City of Ilagan sa mga lahat ng mga nakiisa at sumuporta sa pagdiriwang ng ika-13th Cityhood anniversary ng Lungsod.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Vice Mayor Jay Eveson Diaz ng City of Ilagan, sinabi niya na ang mga aktibidad na inihanay sa week-long celebration ay hindi lamang basta programa dahil mayroon din itong kaakibat na adbokasiya.

Isang halimbawa rito ay ang katatapos na Cheerdance Competition na naglalayong isulong ang youth empowerment sa pamamagitan at I-promote ang kahalagahan ng mga kabataan sa lipunan.

Ang mga sporting events ay layon namang I-promote ang pagiging ‘Sports Tourism of the North’ ng City of Ilagan.

Ang naganap na basketball exhibition na nilahukan ng celebrity player na si Gerald Anderson ay may temang “Bola kontra Droga” kung saan layon nitong makamit ang pagiging drug-cleared/free City.

Dahil dito ay tiniyak ng bise alkalde na magiging regular ang pagsasagawa ng sporting events sa Lungsod ng Ilagan.