--Ads--

CAUAYAN CITY – Naitala ang  ikalabimpitong nasawi sanhi ng Coronavirus Disease (Covid-19).

Siya ay isang 60 anyos na babae at residente ng Barangay District 1, Cauayan City,  nakaranas ng ubo, lagnat, hirap sa paghinga, mula noong February 7, 2021 at kinuhanan ng swab test noong February 11, 2021 at positibo ang resulta.

Siya ay binawian ng buhay noong February 15, 2021 dahil sa Acute Respiratory Distress Syndrome, Community Acquired Pneumonia High Risk, Critical type 2 diabetes mellitus.

Sa kasalukuyan, minomonitor ng City Health Office (CHO) ang mga kapamilyang nakasalamuha ng nasawing pasyente.

--Ads--

Samantala, naitala rin ang dalawang bagong positibong kaso ng Covid-19 sa Cauayan City.

Ang una ay ang isang 47 anyos na babae at residente ng Barangay Sillawit, Cauayan City.

Siya ay nakaranas ng sintomas gaya ng pagkahilo at pagduduwal at agad  na sumailalim sa antigen test na positibo ang resulta. 

Walang kasaysayan ng paglalakbay ang pasyente at inaalam pa ang posibleng exposure habang sumasailalim  sa mandatory quarantine.

Sumunod ang isang 30 anyos na babae, residente ng Barangay Dabburab, messenger at nakaranas ng sintomas gaya ng ubo, sipon, lagnat at pagkawala ng panlasa.

Wala siyang kasaysayan ng paglalakbay at inaalam pa ang posibleng exposure at  naka-admit sa isang hospital isolation facility.