--Ads--

CAUAYAN CITY – Idineklarang special non-working holiday sa Lungsod ng Cauayan sa araw ng Huwebes, ikatatlumpo ng Marso bilang bahagi ng pagdiriwang ng ikadalawampu’t dalawang anibersaryo ng pagiging ng lungsod ng cauayan.

Ito ay sa pamamagitan ng nilagdaang Executive Order No. 15-2023 ni Mayor Jaycee Dy.

Matatandaang naging lungsod ang Cauayan matapos na manalo ang yes votes sa isinagawang plebisito noong ikatatlumpo ng Marso, 2001.

Idineklara ang special non-working holiday sa Lunsod ng Cauayan sa araw ng Huwebes upang magkaroon ng pagkakataon ang mga Cauayeño na makiisa at makilahok sa pagdiriwang ng Cityhood Anniversary ng Cauayan.

--Ads--