
CAUAYAN CITY – Naitala ang ikalimang nasawi sa lunsod ng Cauayan dahil sa COVID19.
Siya ay si CV3528, 51 anyos lalaki at residente ng Barangay District I, Cauayan City may diabetes at hypertension.
Siya ay na-admit sa isang ospital makaraang makaranas ng ubo, lagnat, pagdudumi, at pananakit ng dibdib noong ikalabing lima ng Nobyembre at kinuhanan ng sample noong dalawamput dalawa ng Nobyembre, parehong araw na siya ay binawian ng buhay ganap alas otso singko ng gabi.
Kahapon ay lumabas ang resulta na siya ay nagpositibo sa COVID-19.
Ang pamilya ni CV 3528 ay kasalukuyan nang naka-isolate at minomonitor ng City Health Office.
SAMANTALA naitala ang labing-isang bagong positibong kaso ng Covid-19 sa Lungsod.
Lima sa mga nagpositibo ay kapamilya ng nagpositibong si CV3421, mga residente ng Barangay District 1.
Sila ay asymptomatic at kasalukuyang nasa pangangalaga ng LGU Quarantine Facility.
Ikaanim ang 28 anyos na lalaki, may asawa at residente ng Barangay Carabatan Chica, walang travel history at nakaramdam ng sintomas gaya ng ubo at pananakit ng katawan.
Ikapito ang 36 anyos na lalaki, may asawa at residente ng Barangay District 2,isang Manager sa isang fast food restaurant at may kasaysayan ng paglalakbay sa lunsod ng Tuguegarao, noong ikalabing siyam ng Nobyembre, nakaramdam ng sintomas gaya ng lagnat, pangangati ng lalamunan, at panlalamig.
Sumunod ang 34 anyos na lalaki na residente ng Barangay District 3, Cauayan City at nasa pangangalaga na ng LGU quarantine facility.
Ikasiyam ang 29 anyos na babae, residente ng Barangay Turayong, Auditor sa isang pribadong kumpanya at direct contact ni CV3480 na kasama niya sa trabaho.
Ikasampu ang 16 anyos na lalaki, residente ng Barangay San Fermin at direct contact ni CV3480 na kanyang bayaw at asymptomatic.
Ikalabing isa ang 69 anyos na lalaki, residente ng Barangay Sta. Luciana at nagkaroon ng lagnat.
SAMANTALA 11 sa mga Covid-19 patients ang idineklara nang fully recovered matapos na hindi na nagpapakita ng sintomas ng Covid-19 at natapos na ang kanilang mandatory quarantine.