--Ads--

CAUAYAN CITY- Naglabas na ng reaksyon si Ilagan City Mayor Jose Marie Diaz matapos na madawit ang kaniyang pangalan sa Dragon Twelve Builders and Construction Supply na kumpaniyang pag mamay-ari ng kaniyang kapatid na si Jonathan Diaz.

Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Cauayan kay Mayor Diaz, sinabi niya na walang direktang ugnayan ang kanilang hanay maging ang LGU sa mga flood control projects na nakuha ng Dragon Twelve.

Ito ay matapos lumabas ang ilang ulat na napunta sa kanilang magkapatid ang ilang proyekto o halos 70% ng flood control projects na nagkakahalaga ng mahigit isang bilyong piso.

Dahil sa naturang issue ay nagpatawag ang LGU Ilagan ng pressconference para bigyang linaw ang ilang aspeto.

--Ads--

Ayon kay Mayor Diaz ang flood control projects ay sa pagitan ng DPWH at ng contractor, kadalasan na tinatap lamang ang LGU sa proyekto kung saan ito naaakma dahil ang mga Local Chief executives ang nakakaalam sa kanilang nasasakupan.

Hinamon naman niya ang sinomang may pagdududa na magtungo sa Lunsod para suriin ang mga proyekto na batay sa kaniya hindi ghost projects.

Dagdag pa niya na walang bahid ng anumalya ang kanilang records sa Commission on Audit o COA na siya ring sumilip sa mga proyekto sa Lunsod.

May pasaring din siya sa aniya’y mga “detractors” na nakikisakay sa issue, giit niya nitong nagdaang halalan ay nabigyan sila ng pagkakataon subalit mismong ang taumbayan na ang nagsalita at nagpasya para sila ay muling mailuklok sa pwesto, dagdag pa niya “hintayin na lamang ang susunod na halalan”

Matatandaan lumabas ang ulat kaugnay sa flood control projects na nakuha ng Dragon Twelve Builders and Construction Supply kahit na nauna ng napuna ang kumpaniya dahil substantial delays sa constructions sa mga proyekto mula noong 2021.

Ayon sa datos labing anim na proyekto ang nakuhang ang Dragon Twelve na kung saan ₱1.54 bilyon dito ay flood control contracts ng DPWH Isabela First District Engineering Office.