--Ads--

Nakatakdang isagawa sa araw ng sabado ang kickoff ng mga palaro sa 7th season ng Maharlika Pilipinas Basketball League o MPBL sa bahagi ng City of Ilagan Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Paul Bacungan, Information Officer ng City of Ilagan LGU sinabi niya na talagang pinaghandaan ng pamahalaang panlungsod ang isasagawang kickoff ng MPBLsa ika-8 ng Marso sa The Capital Arena.

Aniya ang opening ay maaring magsimula ng alas-3 ng hapon bagamat ang laro ay magsisimula ng alas-6 ng gabi.

Sa mga nagdaang araw ay halos dalawampung teams ng MPBL na ang nakipagcoordinate sa pamahalaang lungsod patungkol sa hotel accommodation at transportasyon.

--Ads--

Aniya ang LGU na mismo ang maghahatid o susundo sa mga koponan na dadalo sa opening ceremony at mga unang laro sa MPBL na gaganapin sa The Capital Arena.

Inaasahan nila na nasa walong libong katao ang manonood sa pagbubukas ng MPBL kung saan sa ngayon ayon sa General Services Office o GSO, halos paubos na ang ticket sa lower back at VIP areas at may kaunti na lamang sa upperback seats.

Pinaghahandaan naman nila ang spillover o sobrang dami ng tao na manonood dahil hindi lamang mula sa lungsod ng Ilagan ang manonood dito kundi maraming mula sa ibat ibang bayan sa isabela at karatig na lalawigan.

Sakali man na hindi na kaya ang bilang ng manonood ay pipiliting buksan ang LED wall at sound system sa labas ng arena para makapanood pa rin ng palaro ang mga hindi mapapayagang makapasok.