Isinasagawa sa Camp Samal, Bayan ng Tumauini, Isabela ang RSPC o Regional Schools Press Conference na dinaluhan ng mga matataas na opisyal ng DepEd Region 2 sa pangunguna ni RD Benjamin Paragas.
Sa naturang aktibidad, bibigyan ng parangal ang Most Outstanding School Paper Adviser at Most Outstanding Campus Journalist sa hanay ng Elementary at Secondary Level.
Umaasa naman ang DepEd Quirino na makakapag-uwi ng karangalan mula sa RSPC ngayong taon.
Sa pahayag ni Dr. Madelyn Macalling, ang School Division Superintendent ng SDO Quirino, nagagalak sila dahil sa suportang ibinigay ng Provincial Government ng Quirino para sa buong delegasyon ng SDO Quirino na sumabak sa libreng pagsasanay.
Ngayong taon, nasa 90 na kalahok ang mayroon ang SDO Quirino kabilang ang kanilang mga campus journalist.
Sa ngayon, tuloy-tuloy pa ang mga aktibidad sa RSPC at inaasahang gaganapin ngayong araw ang Filipino Radio Broadcast, English Radio Broadcast, at TV Filipino Broadcast sa iba’t ibang venue.










