CAUAYAN CITY – Naging attraction ang ilang artista na nagbigay ng kulay sa Mutya ng Santiago 2019 na ginanap kagabi sa ITC grounds sa Malvar, Santiago City bilang bahagi ng pagdiriwang ng 5th Balamban Festival at 25th Cityhood anniversary.
Naging host sa local beauty pageant sina Nicole Cordoves, Bb. Pilipinas Grand International 2016 2nd runner up at actor na si Rafael Rosell.
Nagkaroon ng guest appearance ang actor na si Dennis Trilio na humarana sa mga kandidata.
Tinanghal na Mutya ng Santiago 2019 si Nikita Teichmuller na kandidata ng Calao West, Santiago City.
Nakamit din ng dalaga ang mga minor awards na Best in Casual, Best in Swimsuit at Miss Robinson 2019.
Nakatanggap din siya ng Php 50,000 na cash prize at tropeo.
Ang 1st Runner Up ay si Nika Uden na nakatanggap ng Php 40,000 na cash prize at tropeo.
Ang 2nd runner up ay si Princess Ann Carreon na nakatanggap ng Php 30,000 na cash prize.
Ang 3rd runner up ay si Jessa Soldevilla na nakamit din ang mga award na Miss Photogenic, Best in Long Gown, Best in Talent at Texters Choice award.
Nakatanggap siya ng Php 20,000 na cash prize at tropeo.
Ang 4th runner up ay si Angely Erese na nakatanggap ng Php 10,000 cash prize at tropeo.