CAUAYAN CITY- Dalawa mula sa sampung municipalities na nakapagtala ng African Swine Fever ang nakapag sumite na ng kinakailangang papeles para ideklarang safe zone.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Provincial Veterinarian Dr. Belina Barboza, sinabi niya na ang huling aktibong kaso ay noon pang Disyembre at ito ay sa Bayan ng Cabagan.
Aniya isa sa maaaring naging sanhi sa mabilis na containment ng ASF virus ay ang kakaunting bilang na ngayon ng mga inaalagaang baboy sa Lalawigan, bagamat nagresulta ito sa mas mataas na presyo ay malaking tulong ang contract farm sa Lalawigan na siyang nagtutustus ngayon ng karne ng baboy.
Ayon kay Dr. Barboza kahit na nagkaroon ng reduction sa pagkakatay ng baboy ay hindi naman nila nakikitang magdudulot ito ng kakulangan ng supply lalo at matumal din ngayon ang bentahan ng karne ng baboy sa pamilihan.
Maliban sa contract farm ay may mga baboy parin mula sa ibang Probinsya ang pumapasok parin naman sa Lalawigan.
Hanggang ngayon mula noong Disyembre ay Lingguhan na ang nagiging pagtaas sa presyo sa bawat kilo ng baboy.
Samantala, tuloy tuloy ang ginagawang pakikipag ugnayan ng Provincial Veterenary Office sa DA Regional Office para sa bakuna kontra ASF.
Batay sa DA Regional Office ongoing ang purchase ng bakuna laban sa African Swine Fever.
Prayoridad nila sa pagbabakuna ang mga piggery na magkakalapit at may bio security dahil ikinukunsidera nila ang lifespan ng bakuna na nangangailangan lamang ng dalawang oras pagkabukas.