--Ads--

CAUAYAN CITY- Nakaranas ang kaunting problema sa kalusugan ang ilang mga atleta ng Region 2 sa kanilang pananatili sa Ilocos Norte para sa Palarong Pambansa 2025.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Sports Coordinator Manolo Bagunu ng SDO Isabela, sinabi niya na ang ilan sa mga ito ay nilagnat at nakaranas ng pagduduwal.

Isa sa mga nakikita nilang dahilan ay ang mainit na panahon na nararanasan sa bahagi ng Ilocos Region.

Tine-trace din aniya nila kung bumili ang mga ito ng pagkain sa labas na naging sanhi ng pagsama ng pakiramdam ng mga ito dahil pagdating sa mga pagkain na inihahanda sa mga atleta ay maayos naman umano itong inihahahain.

--Ads--

Gayumpaman ay agad namang natutugunan ng mga medical staff ang pangangailangang medikal ng mga atleta lalo na at mayroon namang clinic sa kanilang billeting quarter.