--Ads--

CAUAYAN CITY – Sa kabila ng panahon ng Ramadan, ay nagdesisyon ang ilang atletang muslim na hindi sila magfafasting sa araw ng kanilang laro sa ginaganap na Philippine Athletics Championship  sa Ilagan Sports Complex.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Wan Muhammad Fazri, isang atletang muslim, sinabi niya na nagdesisyon siyang hindi magfasting sa kanyang laro, dahil kailangan niyang maging malakas at may enerhiya upang makapaglaro ng tama.

May posibilidad aniya na manghina at mahilo siya kapag hindi uminom at kumain, lalo na at napakainit ng panahon.

Paliwanag niya, na maintindihin naman ni Allah ang kanyang kalagayan.

--Ads--

Gayunman nilinaw niya na ang pagliban niya na magfasting ng isang araw ay nangangahulugan ng karagdagang isang araw ng fasting.

Sinabi rin niya na hindi sila nakapagsamba sa kanilang Mosque sa City of Ilagan upang magdasal.

Anya sa mismong kwarto kung saan sila tumutuloy ng kanyang mga kasamahang muslim sila nagdadasal para sa ramadan.

Samantala, ayon naman sa isa pang atletang muslim, nag-fasting siya noong Miyerkoles kahit na may laro siya nang umaga.

Aniya, bagamat hindi nakakain, ay nakagabay sa kanya si Allah upang ibigay ang lakas na kailangan niya sa pagtakbo.

Nagpapasalamat naman ang mga atletang muslim, dahil maganda ang akomodasyon na natatanggap nila sa hotel na kanilang tinutuluyan.

Tama umano ang mga pagkain na inihahain sa kanila kaya lubos ang kanilang kasiyahan at pasasalamat sa pamahalaang Lunsod ng Ilagan.