--Ads--

Patuloy pa ring nakataas ang Signal No. 4 sa ilang bahagi ng bansa matapos ang unang pag-landfall ng Bagyong Emong.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), taglay pa rin ng bagyo ang lakas ng hangin na 120 km/h at pagbugso na umaabot sa 165 km/h.

Signal No. 4

Nananatiling nasa ilalim ng Signal No. 4 ang mga sumusunod na lugar:

  • La Union: Bangar, Luna, Balaoan, Bacnotan, San Juan, San Fernando City, Bauang, Caba, Aringay, Agoo, Santo Tomas
  • Ilocos Sur: Santa Lucia, Santa Cruz, Tagudin
  • Pangasinan: Agno, Bani, Bolinao, Anda, Alaminos City, Burgos, Dasol, Mabini, Sual

Signal No. 3

Nakataas naman ang Signal No. 3 sa mga natitirang bahagi ng Ilocos Sur at La Union; ilang bahagi ng Ilocos Norte, Zambales, Pangasinan, Mountain Province, at Benguet, kabilang ang:

--Ads--
  • Ilocos Norte: Laoag City, San Nicolas, Sarrat, Dingras, Solsona, Nueva Era, Batac City, Marcos, Paoay, Currimao, Banna, Pinili, Badoc
  • Zambales: Santa Cruz
  • Pangasinan: Lingayen, Bugallon, Infanta, Dagupan City, San Fabian, Binmaley, Labrador, Sison, Pozorrubio, San Jacinto, Mangaldan, Calasiao, Santa Barbara, Mapandan, San Carlos City, Aguilar
  • Mountain Province: Besao, Tadian, Sagada, Bauko
  • Benguet: Sablan, Kapangan, Mankayan, Tuba, Bakun, Kibungan

Signal No. 2

Nasa ilalim ng Signal No. 2 ang:

  • Ilocos Norte at Pangasinan (natitirang bahagi)
  • Zambales: Masinloc, Candelaria, Palauig, Iba
  • Cagayan Valley: Batanes, Cagayan (kabilang ang Babuyan Islands), Isabela, Quirino
  • Cordillera: Apayao, Kalinga, Ifugao, natitirang bahagi ng Mountain Province at Benguet
  • Nueva Vizcaya: Lahat ng bayan
  • Nueva Ecija: Nampicuan, Cuyapo, Talugtug, Lupao, Carranglan, Guimba
  • Tarlac: Mayantoc, Santa Ignacia, Gerona, Pura, Ramos, Anao, San Manuel, Moncada, Paniqui, Camiling, San Clemente

Signal No. 1

Nakataas naman ang Signal No. 1 sa:

  • Natitirang bahagi ng Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Nueva Ecija, Zambales at Tarlac
  • Aurora: Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Maria Aurora, Baler, San Luis
  • Pampanga: Porac, Floridablanca, Angeles City, Mabalacat City, Magalang, Mexico, Bacolor, San Fernando City, Santa Rita, Guagua, Arayat, Lubao, Santa Ana
  • Bataan: Dinalupihan, Hermosa, Morong

Landfall Update

Batay sa pinakahuling track forecast, inaasahang muling magla-landfall si Bagyong Emong sa bahagi ng La Union o Ilocos Sur ngayong umaga ng Biyernes, Hulyo 25.

Pagkatapos nito, tatawid ito sa mga bulubunduking bahagi ng Hilagang Luzon at lalabas sa Babuyan Channel bago magtanghali. Mula roon, kikilos ito pa-northeast at posibleng dumaan malapit o direkta sa Babuyan Islands mula tanghali hanggang hapon, at maaari ring dumaan malapit sa Batanes mula hapon hanggang gabi.

Bagama’t maaaring mapanatili ng bagyo ang lakas nito sa kanyang ikalawang landfall, posible ring bahagyang humina ito dahil sa pagdaan sa mga kabundukan ng northwestern Luzon. Inaasahan na magsisimula ang tuloy-tuloy na paghina ng bagyo habang ito ay lumalabas ng Philippine landmass.