CAUAYAN CITY- Nagdulot ng power interuption sa ilang bahagi ng Lunsod ang pagsabit ng isang trailer truck sa poste ng kuryente sa kahabaan ng maharlika highway Barangay Dsitrict 2, Cauayan City.
Sinabi ni POSD Chief Pilarito Mallillin na dahil sa sobrang taas ng trailer truck ay sumabit ito sa kable ng kuryente sanhi para bumagsak ang poste ng ISELCO 1.
Matapos ang insidente ay agad na nagpatupad ng power interuption ang ISELCO 1 sa ilang bahagi ng Cabaruan (Paraiso)
San Fermin,ISU Compound,Primark,Beverly Hills Subdivision (Phase 1 & 2),Poblacion Market,Lucas Subdivision at Specialist Hospital.
Sa ngayaon ay naalis na ang nakahambalang na poste ng ISELCO habang sinisikap na maibalik ang tustos ng kuryente.
Aniya, dahil sa naturang insidente ay muli nilang ipapaigting sa Lunsod ang pagbuo ng task force para tiyaking nasa standard parin ang taas ng mga bumibiyaheng trailer truck sa Lunsod.