--Ads--

CAUAYAN CITY – Sasampahan ng  kasong attempted  murder at direct assault ang isang magsasaka matapos na sugurin ang ilang opisyal ng barangay habang   namamahagi ng  mga ayuda sa Ugad, Tumauini, Isabela.

Ang suspek ay si Evaristo Limbauan, 51 anyos  habang ang grupo ng mga opisyal ng barangay ay pinangunahan ni barangay kapitan   Estelita Guiuo at dalawang barangay kagawad na sina  Edwin Taggueg at Maximo Guiuo kasama ang sinugod na si Chief Tanod Antonio Allapitan.

Sa imbestigasyon ng Tumauini Police Station, nilapitan ni Limbauan si Allapitan at tinangkang saksakin gamit ang kutsilyo ngunit nasalag ng biktima at ang kanyang daliri sa kanang kamay ang nasugatan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PSMS Arnel Gazzingan, imbestigador ng Tumauini Police Station, sinabi niya na inawat si Limabauan ng mga kasama ni Allapitan subalit inundayan din sila ng saksak.

--Ads--

Ayon kay PSMS Gazzingan, lumalabas sa kanilang pagsisiyasat na dati nang may alitan sina Limbauan at Allapitan.

Bukod sa pagsita noon sa kanya sa mga sayawan sa kasal ay sinita rin siya ni Allapitan sa paglalaro ng basketball noong nasa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Isabela.

Ang pahayag ni PSMS Arnel Gazzingan.