--Ads--

Ilang Barangay na sa Palanan ang isolated dahil sa pagtaas ng tubig sa mga ilog dulot ng pag-ulan na dala ng Bagyong Paolo.

sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan Kay LDRRM Assistant John Bert Neri, sinabi niya na humupa na ang malakas na hangin na may dalang malakas na ulan.

Aniya agad na nagsagawa sila ng Pre-emptive evacuation sa mga kababayang Dumagat sa Barangay Culasi na binubuo ng 141 pamilya o 490 katao

Sa kasalukuyan tuloy tuloy ang pag ibigay nila ng food packs sa nga evacuees.

--Ads--

Tiniyak naman niya na sapat ang pre-positioned family food packs para sa lahat ng mga pamilyang apektado.

kung matatandaan unang nakapag bigay na sila ng food packs sa mga mangingisda na naapektuhan ng no sail policy.

Dahil sa malakas na hangin maraming puno ang natumba sanhi para pansamantalang magkaroon ng power interruption na aabutin pa ng dalawa hanggang tatlong araw bago maibalik ang tustos ng kuryente

Sa ngayon may pabugso-bugso pang hangin kaya nanatili silang handa sa storm surge na posibleng makaapekto sa mga coastal barangays.

Nagpasalamat naman siya sa pakikipag tulungan ng mga mangingisda sa kanilang mga abiso dahil sa walang naitalang casualty sa kanilang nasasakupan hanggang sa kasalukuyan.