--Ads--

CAUAYAN CITY – Tumanggap ng Cities & Municipalities Competiveness Index Award ang ilang bayan at lungsod sa Lambak ng Cagayan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Assistant Regional Director Winston Singun ng Department of Trade and Industry o DTI Region 2 na ang Cities and Municipalities Competitiveness Index Award ay taun-taon na iginagawad sa mga most competitive na local government units o LGUs.

Sinusukat ang Competitiveness ng mga LGUs sa limang pilars kabilang ang economic dynamism, government efficiency, infrastructure, resilience at innovation.

Sa bawat kategorya ng limang pilar ay ginugrupo ang mga LGUs sa kanilang income class.

--Ads--

Ang unang class ay ang 5th at 6th class municipalities, sunod ang 3rd at 4th class at ang 1st and 2nd class.

Ngayong taon ay umakyat ang ikalawang rehiyon dahil may apat na LGUs na nakapasok sa top 3 nationwide.

Sa Isabela ang unang nanalo ay ang bayan ng San Isidro na top 2 sa grupo ng 5th at 6th class municipalities sa pilar ng economic dynamism.

Ang lunsod ng Cauayan naman ay no. 2 sa innovative component cities nationwide habang sa government efficiency ay No. 1 ang lunsod ng Tuguegarao sa lahat ng component cities sa buong bansa.

May special award din sa Basco, Batanes bilang top 2 sa mga indirect intellectual property rights pioneer.

Ayon kay Assistant Regional Director Singun, sa mga nakaraang taon ay maaring may kaunting pagkukulang sa paggawa ng mga supporting documents sa kanilang survey kaya hindi napansin at ngayong taon ay nakita sa mga naturang lugar ang mga aspeto na kailangan kaya sila kinilala.

Layunin aniya ng survey na ito na magsilbing sukatan ng pagiging competitive ng isang bayan para sa mga investor o gustong maglagak ng puhunan at sa overall na status ng development ng isang lugar.

Ang isang LGU na nagawaran ng ganitong award ay maari niya itong gamitin para makahikayat ng mga investors at iba pang bagay.

Ayon pa kay Assistant Regional Director Singun, masayang-masaya sila sa DTI Region 2 dahil nakapasok ang rehiyon.

Tiniyak niya na lalo nilang alalayan ang mga LGUs na maging conscious sa pagfil up sa kanilang datos sa survey para lalong lumabas ang tunay nilang status at maging karapat-dapat na tumanggap ng award.

Ang award giving body na ito ay public-private ang composition at DTI lang ang nagsisilbing secretariat sa pamamagitan ng kanilang competitiveness bureau.