--Ads--

CAUAYAN CITY- Pormal ng nakapag proklama ng mga nanalong kandidato ang nasa 91 municipalities kabilang ang mga siyudad sa 4 na probinsya sa Rehiyon Dos maliban sa Cagayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Assistant Regional Director Atty. Jerbee Cortez sinabi niya na ilang minor issues lamang ang naitala nila sa kasagsagan ng halalan nitong May 12.

Aniya may ilang glithces dahil sa nawawalang signal dulot ng biglaang mga pag-ulan habang isinasagawa ang canvassing at transmission.

Sa buong Region 2 dalawang lugar na lamang ang hindi nakapag proclaim partikular ang Baggao at Fuga Island sa bahagi ng Aparri Cagayan dahil na rin sa layo ng lugar at lagay ng karagatan.

--Ads--

Hihintayin naman ng Comelec National Board of Canvassers na matransmit ang lahat ng resulta sa nabanggit na mga lugar para sa National Positions kahit na hindi pa nakapag proklama.

Samanatala kabilang sa mga kandidatong hindi naiproklama ay si Vice Mayor elect Harold Respicio dahil sa kinakaharap na disqualification case na inihain laban sa kaniya ng Comelec na nag ugat sa kaniyang uploaded video na nag sasabing maaaring mamanipula ang resulta ng halalan.

Ayon kay Atty. Cortez dahil abogado si Atty. Respicio ay alam na nito ang mga hakbang na gagawing legal remedies para maituloy ang kaniyang proclamation.

Inihayag pa ni Atty. Cortez na hindi makakaapekto sa transmission ng resulta ng halalan sa Isabela patungong Comelec Central Office ang kasalukuyang kaso ni Atty. Respicio.