--Ads--

CAUAYAN CITY – Naglagay na ng  checkpoint ang ilang  bayan sa Isabela para mahadlangan ang pagkalat ng African Swine Fever (ASF) matapos tamaan ang limang bayan.

Sa naging panayan ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Provincial Veterinary Officer Belina Barboza na sa kanilang pag-iikot ay naglagay na ng checkpoint ang mga bayan ng Alicia at Angadanan.

Bukod ito sa regular na tatlong checkpoint sa Cordon, Quezon  at San Pablo, Isabela.

Inatasan din ang mga bayan at lunsod sa Isabela na ipatupad ang Executive Order (EO) na dapat may nagmomonitor sa mga entry at exit points para mabantayan ang mga pumapasok na baboy na may sakit at mga karne na hindi dumaan sa slaughter house.

--Ads--

Ipinadala nila ang EOr sa mga bayan at lunsod para maipaalala sa mga dapat na ipatupad upang mahadlangan ang pagkalat ng ASF.

Kung may mga hayop na masuri na hinihinalang tinamaan ng ASF ay agad na isinasailalim sa culling at  ibinabaon sa lupa.

Ang mga hayop na walang sakit ngunit walang dokumento ay papabalikin sa pinanggalingan ng mga ito.