--Ads--

Nakiisa ang City Government of Cauayan at iba pang munisipalidad sa Isabela sa earth hour kagabi.

8:30 kagabi ng patayin ang ilaw sa City Hall kung saan nagkaroon naman ng abiso dito para maiwasang magtaka ang publiko sa biglaang pagpatay sa mga ilaw.

Nagkaroon din ng programa para sa earth hour ang Local Government of Echague kung saan nagkaroon pa ng candle lighting.

Samantala, una na ring hinikayat ni Isabela Governor Rodito Albano ang bawat Isabeleño na makiisa sa paggunita ng earth hour ngayong gabi.

--Ads--

Sa mensahe ng Gobernador kaniyang inihayag ang kahalagahan ng hakbang na ito para makatulong sa pagbawas ng carbon emissions sa pamamagitan ng sabayang pagpataw ng mga ilaw.

Makakatulong din ito para conservation ng likas na yaman partikular ng tubig.