Fully booked na ang ilang bus terminal sa Lungsod ng Cauayan isang linggo bago ang holy week.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Anabelle Bunagan, staff ng Dalin Bus Terminal, sinabi niya na Pebrero pa lang ay may mga nagpabook na para sa April 17 at 18.
Maging ang mga araw bago ang nabanggit na petsa ay punuan na rin dahil sa dami ng mga bibiyahe paloob at palabas ng lalawigan.
Lilimitahan din ng terminal ang usapin ng standing sa mga bus dahil mahigpit na itong ipinagbabawal.
Sa ngayon isa sa isinasaayos ng terminal ay ang mga schedule ng sasakyan para sa augmentation kung sakaling madaming mga mananakay ang nagnanais maging chance seater.
Samantala, ang Victory Liner naman ay magkakaroon ng augmentation galing metro manila para maaccomodate ang mga pasaherong walang masakyan
Ngunit pareho rin ang sitwasyon sa Dalin Bus na punuan ang mga bookings lalo na sa petsa ng long weekend.