CAUAYAN CITY- Tatlong Cauayeño ang kabilang sa 266 na kadete ng PMA Siklab-Laya Class of 2025 na nagtapos noong Sabado.
Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Cauayan kay 2Lt Mark Angelo Valle Agustin ng Philippine Army, sinabi niya na labis ang kaniyang kasiyahan dahil nakapag tapos na siya sa isa sa mga pretiyosong akademiya sa Pilipinas.
Aniya dynamic expirience ang kaniyang naranasan sa pagpasok niya sa Philippine Military Academy.
Sa katunayan aniya hindi lamang naka focus sa Military training ang apat na taon nilang pag-aaral sa akademiya.
May mga academic subjects sila maliban sa physical strengthening.
Aniya graduating siya ng senior highschool ng magkatuwaan sila ni 2Lt. Justine Carag na mag apply sa PMA.
Dahil nagkataon na nagbukas ng online application ang PMA para sa pagsusulit ay sinamantala nila ang opurtunidad.
Isa sa mga hindi niya makakalimutang expirience sa akademiya ay ang pagsasanay nila sa Pag-asa Island sa bahagi ng West Philippine Sea.
Doon ay nakita niya ang ilang komunidad na siyang nagbukas sa kaniyang kamalayan para mas lalong naisin ang pagsisilbi sa bayan.
Ang kaniyang biggest inspiration ay ang kaniyang pamilya, aminado siya na hindi karangyaan ang kanilang buhay kaya sinikap niyang matulungan ang kaniyang sarili upang mawalan ng pasanin ang kaniyang mga magulang sa pag papa-aral sa kaniya dahil ang kaniyang ama ay isang mangangalakal habang ang kaniyang ina ay isang housewife.
Napili ni 2Lt. Agustin na magsilbi sa hanay ng Philippine Army.







