Nakapagtala na ng mga evacuees ang Cauayan City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), mula sa mga barangay ng San Fermin at Rizal bunsod ng malalakas na hangin na dala ng pananalasa ng Bagyong Paolo.
Ayon kay Michael Cañero, Designated Head ng BGD Command Center, nagsilikas na ang ilang residente kahit wala pang naitatalang pagbaha sa lungsod.
Dagdag pa niya, patuloy ang koordinasyon ng kanilang tanggapan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang matukoy ang eksaktong bilang ng mga evacuees.
Kaugnay nito, Nabatid din na may mga naiulat na punong natumba sa ilang lugar, ngunit wala pa namang naitatalang casualty.
Samantala, bago pa man tuluyang tumama ang bagyo sa kalupaan, nagsagawa na rin ang CDRRMO ng localized Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) upang pag-aralan ang posibleng epekto nito.
Muling pinaalalahanan ni Cañero ang publiko na kanselahin muna ang mga hindi mahalagang lakad at manatili sa ligtas na lugar upang makaiwas sa anumang aksidente.











