--Ads--

Ilan pang mga Overseas Filipino Workers o OFW helpers ang patuloy na pinaghahanap matapos sumiklab ang malaking sunog na lumamon sa housing complex sa Tai po.

Inihayag ni Bombo International News Correspondent Maria Velarde na sumampa na sa 44 katao ang kumpirmadong nasawi sa high-rise fire habang nasa 279 pa ang nawawala.

Sa inisyal na impormasyong sinasabing ang sunog ay nagmula sa upos ng sigarilyo mula sa isang construction site sa isa sa mga towers na sumasailalim sa renovation.

Sinimulan narin ng OWWA ang pakikipag ugnayan sa mga OWF shelters para hanapin ang mga nawawalang pinoy.

--Ads--

Sa kasalukuyan labing pitong oras ng nagaganap ang sunog at hindi pa tuluyang naapula ng mga bumbero.

Nasa ligtas naring kalagayan ngayon ang isang helper na pumukaw ng atensyon sa social media matapos na humingi ng saklolo sa pamamagitan ng pag stream online dahil natrap sila sa nasusunog na gusali kasama ang kaniyang alaga at employer.