--Ads--

CAUAYAN CITY – Dinagsa ng mga motorsita ang ilang gasolinahan sa Cauayan City pangunahin na ang Flying V bago ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo kaninang umaga.

Nauna nang nagtaas ng presyo ang ilang malalaking kompanya ng langis sa lunsod kaninang madaling araw at kaninang alas sais ng umaga habang ang iba ay mamayang alas kwatro ng hapon.

Ang Flying V ang isa sa pinakamurang gasolinahan sa Cauayan City at nahuling nagtaas ng presyo kaninang alas otso ng umaga kaya dinagsa ng maraming motorista.

Maraming motorista ang nagtungo sa gasolinahan dala ang kanilang lalagyan tulad ng mga gallon, container at drum para humabol bago ang pagtaas ng presyo.

--Ads--

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Jun Dumale, may-ari ng reaper at isa sa mga pumila sa gasolinahan, sinabi niya na humabol siya upang makapagpakarga bago ang pagtaas ng presyo.

Nagpakarga si Ginoong Dumali ng aabot sa 1,000 liters ng krudo na kanyang gagamitin sa kanilang mga farm machineries.

May iba pa siyang lalagyang dala ngunit dahil sa marami ang mga sasakyang pumila ay hindi na niya papakargahan pa upang may mabili rin ang iba na nangangailangan.

Dahil nakabili siya ng mas mababang presyo ng petrolyo ay hindi muna sila magtataas ng singil sa kanilang pag-reaper ng palay.

Kahapon ay marami na ring pumila sa mga gasolinahan para magpakarga bago ang mahigit 5 pesos na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo ngayong araw.