Pinasok na ng baha ang ilang bahay sa brgy. Disrict 1 cauayan city isabela kahit pa hindi pa ramdam ang lakas ng ulan sa lungsod na dala ng bagyong Kristine.
Mabilis ang pagtaas ng tubig sa lugar kaya naman pinasok na ang kanilang mga tirahan
Sa ngayon ay lumikas na ang mga residenteng pinasok ang bahay patungo sa bahay ng kanilang mga kamag anak na nasa mataas na dako.
Samantala, pareho rin ang sitwasyon sa brgy. District 3 dahil sa mabilis na pagtaas ng tubig
Kaya naman, nagpaalala na ang punong barangay ng lugar sa mga mamamayan na kung maari ay huwag ng hintayin pang tumaas pa lalo ang tubig bago lumikas.
Sa naging panayaman ng Bombo Radyo Cauayn kay Barangay Captain Lorenzo Mangantulao sinabi niya na marami talaga sa mga kabarangay nila ang piniling huwag lisanin ang kanilang mga bahay
Aniya, katuwiran nila ay walang matitirang magbabantay sa kanilang mga gamit kaya mas pinili nila ang huwag ng lumikas.
Samantala, sa pakikipagpanayam naman ng Bombo Radyo Cauayan sa ilang mga residenteng binabaha sa District 3, sinabi nila na minsan ay umaakyat nalang sila sa may kalsada kapag bumaha at pinipiling huwag ng pumunta sa mga evacuation sites dahil hindi rin nila maiwan ang kanilan mga gamit.
Anila, mahirap na masalisihan ng mga magnanakaw kapag iniwan nila ang kanilang tirahan.