Ilang kalsada sa Ambaguio, Nueva Vizcaya, one lane passable dahil sa rockslide.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay LDRRM Officer Kevin Mariano, sinabi niya na reported ang rockslide kahapon ng madaling araw na hinihinalang dahil sa nararanasang pag-ulan sa lugar sa nakalipas na tatlong araw.
Aniya, dahil sa saturated na ang lupa ay gumuho ng ilang bahagi nito na nagdulot ng debris sa kalsada sanhi para hindi madaanan ang isang linya ng provincial road.
Bagamat one lane passable ay nagkaroon ng moderate traffic partikular ang mga sasakyang naghahatid ng gulay sa Nueva Vizcaya Agricultural Terminal (NVAT) na may 5 minutes interval.
Sa ngayon tuloy tuloy ang clearing operation katuwang ang PNP at BFP dahil sa ito lamang ang ruta na maaaring daanan palabas ng Nueva Vizcaya.
Dahil sa bulubundukin ang Ambaguio Nueva Vizcaya ay rock slide prone area ito kaya delikado bumaybay sa lugar kapag may malalakas na pag-ulan.
Samantala wala namang mga naitalang tulay sa Ambaguio na hindi madaanan dahil sa pagtaas ng antas ng tubig sa mga ilog dulot ng mga nararanasang mga pag-ulan.