CAUAYAN CITY- Ilang kandidato mula sa Lalawigan ng Isabela ang idineklara ng Nuisance Candidate ng Commission on Election o COMELEC.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Manuel Castillo ang Provincial Election Supervisor ng COMELEC Isabela sinabi niya na pormal ng inalis sa listahan ng mga kandidato para sa Gubernatorial Race sina Glorieta Almazan at Manuel Pua.
ito ay matapos na ilabas na ng COMELEC ang Certificate of Finality laban sa kanila habang hinihintay pa ang Certificate of Finality kina Edgardo Edralin at Manuel Siquian.
Ang pasya ng COMELEC ay dahil sa inihaing petisyon ni Governor Rodito Albano at Cong. Antonio Tonypet Albano upang maideklara sila bilang nuisance candidates.
Aniya dahil sa kabiguan ng mga kandidatong makakuha ng Temporary Restraining Order ay isinapinal na ng COMELEC ang kanilang desisyon.
Samantala, liban sa mga Gubernatorial Candidates ay idineklara na rin bilang nuisance candidate si Stephen Soliven sa 1st Legistlative District ng Isabela.