--Ads--

CAUAYAN CITY-  Nagkarambola ang dalawang truck ng palay at isang pampasaherong bus sa National Highway na nasasakupan ng Naguilian, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Romel Castillo, tsuper ng isa sa mga sangkot na truck, sinabi niya na pareho nilang binabaybay ng bus ang pambansang lansangan patungong Hilagang direksyon kung saan nakabuntot umano ang bus.

Nang makarating na umano siya sa tapat ng rice mill kung saan siya patungo ay lumiko aniya siya para makapasok sa loob ngunit bigla umano siyang sinalpok ng bus mula sa likuran dahilan upang umikot ng ilang beses ang bus at bumangga sa isa pang truck ng palay na nakaparada sa labas ng rice mill.

Nagtamo naman ng sugat si Castillo maging ang tsuper ng bus, kundoktor at ilang mga pasahero nito.

--Ads--

Aniya, madulas umano ang daan dahil na rin sa pag-ambon na naranasan sa lugar nang maganap ang insidente.

Samantala, sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Amor Paculdar, driver ng nakaparadang truck aniya na kasalukuyan umano siyang natutulog sa loob ng nakaparadang truck maging ng mga pahinante nito nang bumangga sa kanila ang bus.

Aniya na laking pasasalamat niya na wala ni isa sa kanila ang nasugatan lalo na ang pahinante nito na natulog sa likod sasakyan kung saan misnong bumangga ang pampaseherong bus.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang ginagawang pagsisiyasat ng Naguilian Police Station sa insidente.