--Ads--
Hindi bababa sa 12 katao ang nasugatan sa naganap na shooting incident sa Toronto, ayon sa mga awtoridad.
Apat sa mga biktima ay may mga minor injuries, ngunit hindi pa tiyak ang kalubhaan ng mga sugat ng iba, ayon sa mga pulis.
Sinabi ng Toronto Police na ang suspek ay “naka-itim na balaclava,” nakita nilang “tumakas gamit ang isang silver na sasakyan,” at siya ay patuloy na pinaghahanap.
Una rito ay nakatanggap ng tawag ang mga awtoridad, ukol sa isang pamamaril sa Piper Arms pub sa Scarborough, isang distrito ng Toronto, bandang 10:39 ng gabi.
--Ads--
Hiniling ng mga pulis sa mga tao na iwasan ang lugar sa Progress Ave at Corporate Drive.
Ayon sa paramedics ng Toronto, nagtamo ng minor to critical injuries ang mga biktima.