Huling araw na ngayon ng 60-araw na suspensiyon ni Rep. Kiko Barzaga, ngunit ilang miyembro ng Kongreso ang nagsusulong na palawigin pa ito.
Kamakailan, inaprubahan ng House of Representatives ang mosyon ni Rep. Rolando Valeriano na ipabalik sa Committee on Ethics ang kaso ni Barzaga, matapos umano niyang ipagpatuloy ang pagtutok sa kapwa mambabatas sa social media kahit nasa ilalim ng suspensiyon.
Ayon kay Valeriano sa sesyon ng Kamara nitong Martes, malinaw ang nakasaad sa suspensiyon ni Barzaga na may “stern warning that repetition of similar misconduct would merit more severe sanctions.”
Idinagdag niya na nilabag umano ni Barzaga ang nakasaad na kondisyon ng suspensiyon at nanawagan sa Kongreso na patawan ito ng panibagong suspensiyon upang maturuan ng tamang aral.
Patuloy ang diskusyon sa Kamara kung dapat bang ipagpatuloy o palawigin ang suspensiyon ni Barzaga, habang binabantayan ang kanyang mga aksyon sa social media at pakikitungo sa kapwa mambabatas.











