Labing-walong (18) national road sections sa apat na rehiyon sa bansa ang pansamantalang isinara bunsod ng pinagsamang epekto ng Bagyong Crising, habagat, at isang Low Pressure Area (LPA), ayon sa ulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Batay sa tala ng DPWH, ang mga sumusunod na kalsada ay isinara dahil sa pagbaha, pagtaas ng tubig, pagguho ng lupa, at pagkaputol ng kalsada na kinabibilangan ng 3 road sections sa Cordillera Administrative Region (CAR), 12 sa National Capital Region (NCR), 2 sa Region III, 1 sa Region VI
Samantala, may 15 pang national road sections ang may limitadong access na kinabibilangan ng 7 sa NCR, kabilang ang Boni Avenue sa Mandaluyong (kanto ng F. Ortigas), Imelda Avenue sa Pasig City, EDSA Balintawak Station, España Boulevard (Antipolo – A. Maceda), Taft Avenue NB at SB malapit sa Pedro Gil Street, Manila North Road, Regalado Avenue (North) cor. Bristol St. at Sto. Domingo Ave. cor. Atok St.
Nasa 5 road sections sa Region III, 1 sa Region IV-A at 2 sa Region IX
Ang mga limitasyong ito ay bunsod ng malalalim na baha, pagguho ng lupa, mga natumbang puno, madulas na daan, at ilang nasirang detour roads.
Sa kabila nito, tiniyak ng DPWH na lahat ng national roads at mga tulay sa mga apektadong rehiyon ay passable pa rin sa lahat ng uri ng sasakyan sa kasalukuyan.
Patuloy ang monitoring ng ahensya at pinapayuhan ang publiko na mag-ingat at sundin ang mga abiso ng lokal na pamahalaan hinggil sa kaligtasan sa kalsada.











