Kasalukuyan nang nararanasan ang epekto ng Super Typhoon Leon sa bahagi ng Batanes sa paglapit nito sa Extreme Northern Luzon.
Batay sa 11PM Bulletin ng DOST-PAGASA, ang bagyong Leon ay nasa layong 140 km silangan ng Basco, Batanes. Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 185 km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 230km/h.
Kumikilos ito pa northwestward sa bilis na 15km/h.
Sa kasalukuyan nakataas na ang tropical cyclone wind signal no. 5 ang northern at eastern portions ng Batanes (Itbayat, Basco)
Signal no. 4 ang natitirang bahagi ng Batanes.
Signal no. 3 naman sa eastern portion ng Babuyan Islands (Babuyan Is., Camiguin Is., Calayan Is.,), at northeastern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana).
Signal no. 2 ang natitirang bahagi ng Babuyan Islands, natitirang bahagi ng mainland Cagayan, northern portion ng Isabela (Santo Tomas, Santa Maria, Quezon, Delfin Albano, San Pablo, Ilagan City, Tumauini, Cabagan, Palanan, Quirino, Divilacan, Mallig, Maconacon), Apayao, Kalinga, northern at eastern portions ng Abra (Tineg, Lacub, Malibcong) at Ilocos Norte.
Signal no. 1 naman ang natitirang bahagi ng Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, natitirang bahagi ng Abra, natitirang bahagi ng Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Ilocos Sur, La Union, northern at central portions ng Pangasinan (Basista, Lingayen, Villasis, City of Alaminos, Anda, Malasiqui, Tayug, San Fabian, Mangaldan, Mapandan, Burgos, Dagupan City, Binalonan, Bolinao, Alcala, San Manuel, Sual, Umingan, Asingan, Labrador, Bani, Santo Tomas, Pozorrubio, San Quintin, Santa Maria, City of Urdaneta, Laoac, Natividad, Mabini, San Carlos City, Manaoag, Binmaley, San Jacinto, Bugallon, Agno, Calasiao, San Nicolas, Santa Barbara, Balungao, Sison, Rosales, Dasol), northern and eastern portions ng Nueva Ecija (Bongabon, Carranglan, Pantabangan, Laur, Rizal, Cuyapo, Talavera, Santo Domingo, Llanera, Science City of Munoz, General Mamerto Natividad, San Jose City, Lupao, Talugtug, Gabaldon), at northern and central portions ng Aurora (Casiguran, Dinalungan, Baler, Maria Aurora, Dipaculao, San Luis, Dilasag)
Batay sa Forecast track ng bagyo, inaasahang kikilos ang bagyo pa northwestward hanggang maglandfall sa eastern coast ng Taiwan mamayang hapon. Matapos ang pagdaan nito sa landmass ng Taiwan, liliko ito pa north northwestward hanggang notheastward sa Taiwan Strait patungo sa East China Sea at lalabas ng Philippine Area of Responsibility bukas ng gabi o byernes ng umaga(Nov. 1, 2024).
Ayon sa PAGASA, wala nang inaasahang second landfall sa Mainland China dahil sa paghina nito sa pagdaan sa Taiwan landmass.
Hindi lang Northern Luzon ang apektado dahil umaabot sa Southern Luzon at Visayas ang buntot ng bagyo. Makararanas din ng pagbugso ng hangin at pag-ulan sa ibang bahagi ng Luzon.