--Ads--

CAUAYAN CITY– Hindi magsisimula ang Overseas Absentee Voting (OAV) sa Shanghai, China hanggat hindi inaalis ang umiiral na lockdown sa iba’t ibang areas .

Ayon kay Bombo International News Correspondent Rodalyn Alejandro, OFW sa China, sinabi niya na may ilang areas pa sa Shanghai ang nakalock down matapos na maitala kahapon ang 26,000 COVID-19 cases.

Aniya ang naturang bilang ay araw araw na nadadagdagan at dumarami ang nahahawaan dahil sa bagong variant na Stealt Omicron.

Sa kabuuan ay limang libong areas pa sa Shanghai ang inaalis na ang lockdown habang mayorya pa rin ang sumasailalim sa lockdown.

--Ads--

Kakaunti lang naman ang mga OFW sa China na sasailalim sa AOV hindi tulad sa Hong Kong na maraming OFWs.

Bahagi ng pahayag ni Bombo International News Correspondent Rodalyn Alejandro