--Ads--
Kinumpiska ng mga awtoridad ngayong Huwebes, Enero 8 ang ilang mamahaling sasakyan ni dating Ako Bicol Party list Representative Zaldy Co.
Natagpuan ang umano’y luxury vehicles ni Co sa isang parking lot ng condominium unit sa Bonifacio Global City (BGC). Nasa 15 sasakayan ang natagpuan sa naturang parking area.
Subalit sa ngayon, hindi pa natutukoy ng mga awtoridad kung sino ang may-ari ng parking lot gayundin ang condo unit sa nasabing gusali.
Sa ngayon, nananatiling at large si Co at pinaniniwalaang nasa labas ng bansa.
--Ads--
Kamakailan, panibagong kasong plunder ang ikinaso kay Co kaugnay pa rin sa maanomaliyang flood control projects. Binigyan siya ng palugit hanggang sa Enero 15 para magsumite ng kaniyang counter-affidavit.











